napanood ko ang isang documentary tungkol sa mga murang edad na sumasabak na sa mabibigat na trabaho. mga kabataan, itunuturing na pag-asa ng bayan!pero sa murang edad kailangan ng magtrabaho. upang tumulong sa kanilang magulang na hindi sapat ang kita para buhayin ang kanilang pamilya.kaya mas kailangan muna nilang busugin ang  kanilang kumakalam na tiyan bago ang kanilang isipan.at masasabi mong mas ma swerte pa ang anak  mo kung  kahit pano naibibili mo sya ng mumurahing laruan at napag aaral sa isang pampublikong paaralan.di mo maiiwasang maawa sa kabataan pag nakita mo silang  nagbubuhat ng malalaking bato  o naghahakot ng pirapirasong troso para kumita ng konting pera.. mga edad pito hanggang labing pito bakit kaylangan na nilang sumabak sa napakabigat na trabaho?pangunahing dahilan, “kahirapan”

ganun na nga bang kahirap ang pinas?pero bakit milyon-milyon o bilyon ang di umano ay naibubulsa lang ng ilang matataas na namumuno sa ating pamahalaan?diba maiisip mo na baka walang kabataang naghahakot ng troso at nagbubuhat ng mabibigat na bato kung nababahagian sana sila kahit kapiraso dun sa mga mliyones o bilyones na naiibubulsa lang ng ilang ganid na pulitiko.wla na si makoy, ang itinuring na magnanakaw daw ng kaban ng bayan.pero bakit meron paring magnanakaw  ng kaban ng bayan?at pinatalsik sa pwesto si pangulong erap na inasahan ng mahihirap, dahil daw currupt! pero bat parang lalong dumami ang currupt! at ngayon si pangulong arroyo, at naghahanap tayo  ng milagro..dahil tulad ng mga nauna pagnanakaw at currupt din daw ang kaso..kanya-kanyang palinisan at kanya-kanyang pagalingan wag sanang kalimutan ang tungkulin sa bayan..

libu-libong araw na ang nagdaan mula ng istorya sa edsa ay unang masilayan.parang isang pelikula na ilang ulit nasundan,pero nagkaroon ba ng kabuluhan ang mga ipinaglaban at inasam ng bayan?bakit parang lalo tayong sumu-subsob sa kahirapan?kay mang pandoy may nangyari ba, ilang mang jose paba ang ating makikilala at ang bangkang papel na lumubog na, san pa nga ba tayo pupunta?maraming namumuno,maraming nangagako pero nasaan ang pagbabago?pinoy nasaan na nga ba tayo?

  • No related posts