Kung sumusunod kayo sa balita, isa na namang bata ang naudyukan ng mga UGOK na frat boys na sumali sa isang “fraternity” na naging dahilan ng pagkamatay ng bata.

Teka nga muna. Mga taga UP ba ito? Di ba matatalino ang mga taga State University? Kung gayon eh bakit HINDI NILA ALAM ang diwa ng totoong fraternity? Bakit pambubugbog at pag patay ng mga kabataan ang pinagkakaabalahan nila at hindi ang pagaaral para makatulong sila sa pag asenso ng bayan? Aba, kahit na mga BOBO eh exclusive naman di ba :D

Ano ba ang pakinabang ng pagsali sa mga putative fraternities na to? Proteksyon? Proteksyon mula saan? Nag kolehiyo rin ang Hagupit. At kahit karaniwan lang ang kanyang kaalaman ay apansin niya na kung wala kang kaaway ay tiyak na magkakaroon ka pag sumali ka sa fraternity. Napakalaking KAGAGUHAN ang pagsali sa mga violent na fraternities. Mga TUNGGAK lamang ang mga sumasapi dito. Kung gusto niyong magpa bugbog ng libre eh di magpunta na lamang sa pinakamalapit na pagtitipon ng mga walang trabahong lasenggong tambay at hamunin ang mga ito.

Miriam, you go girl! Maingay ka na naman.