Limang taon na ang nakalilipas, ilang kabataang beterano ng People Power 2–ang rebolusyong powered by text sa Pilipinas–ang nagsamasama upang labanan ang pagbabawas ng free text ng mga kumpanyang Smart at Globe. Nabuo ang TXTPower, at mula noo’y patuloy itong nakibaka para isulong karapatan ng Pinoy texters.

Ngayong taon, nilalabanan ng TXTPower ang panukalang sapilitang pagpaparehistro ng cellphone at SIM cards. Kaisa ba kayo ng TXTPower sa usaping ito?