Mga tsong, nakaiskor ako ng Game and Watch. At di lang yun, Mario Bros. Game and Watch Multi Screen pa, yebaaaa!!! Ang tagal ko nang naghahanap ng ganito. Ang hirap pa mandin umiskor sa Pinas. Nabili ko ‘to sa Ebay.

As in panic buying ako, lol! Buti naman at tight kami nung seller at di na n’ya pina-bid. Binili ko na lang directly, hehe! Yari sigurado ako pag pina-bid yan. Tataas pa ang presyo, hehe! Kaya naman nung makita ko pa lang yung pics e binili ko na rin kaagad at nag-transfer na kaagad ako ng gcash, hehe mahirap na. Baka maunahan pa ako at magkaroon ng kakumpitensya sa bidding, hehe!