Ang Katinig ay isang samahan ng mga bagong manunulat sa Filipino na nagsimula sa pitak ng Bagong Manunulat sa ilalim ng patnugot na si G. Reynaldo A. Duque, Palanca Hall of Fame Awardee, CCP. Sa ngayon ay may humigit-kumulang dalawampung (20) kasapi na nagmula pa sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas, at ang ilan rin sa mga ito ay nagkamit na ng Gantimpalang Palanca at naging fellow ng mga national writing workshops. Tumatayong advisers rin ng grupo sina G. Francisco Sigua at Domingo G. Landicho, Ph.d, Professor Emeritus ng Unibersidad ng Pilipinas.
Ilan sa mga programa ng samahan ay ang writing workshops na ginaganap taun-taon. Ang unang workshop ay sa Matabungkay Batangas, at ang pangalawa ay sa Tagaytay City. Naglalabas rin ang pamunuan ng samahan ng magasing pampalihan ng mga kasapi, ang TINIG na ngayon ay nasa ikalawang taon na. Ang TINIG ay naglalaman ng maikling kuwento, maikling kuwentong pambata, sanaysay, tula, tips sa malikhaing pagsulat, komiks at iba pa.

Nauna rito, nailibro na rin ang mga kuwento ng mga kasapi, MGA PILING KUWENTO NG TAONG 2003.

Sa ngayon, malayo man ang mga kasapi, ang iba ay nasa ibang bansa na, nanatili pa ring buklod ang samahan sa pamamagitan ng . Sa pamamagitan ng online email program na ito, nakakapag-online writing workshops ang grupo, nagpapadala ang iba ng kuwento at nagbibigay naman ng mga konstruktibong panunuri ang ibang kasapi.

Sa pamamagitan ng Katinig, natutulungan ang mga bagong manunulat hindi lamang sa paghubog sa kanilang sining kundi sa paghahanap-buhay. Ang samahan ay konektado rin sa ilang publishing na nangangailangan ng komersyal na kuwento at nobela. At ang ilan sa mga gawa ng mga kasapi ay nalathala sa mga magasin na lumalabas sa mga bookstore.

Ikaw ba ay isang manunulat na walang masulingan sa panahon na inaatake ka ng iyong pagiging manunulat, maraming kuwento pero hindi mo alam ang gagawin sa mga iyon, duda sa iyong pagiging manunulat at kakayahan, o may bukas na pusong tumulong sa mga baguhang manunulat, magbahagi ng iyong talino at kakayahan. Mangyaring mag-email sa at magpadala ng sample ng inyong kuwento at brief biodata.

  • No related posts