
Nais ko lang ibahagi sa inyo ang mga insights ko tungkol sa isang dokyumentaryong napanood ko. Kamakailan lang ay nabigyan ang aming klase sa FILKOMU (Komunikasyon sa Filipinolohiya) ng pagkakataong makapanood ng dokyumentaryong gawa ng Ibon Foundation na pinamagatang “MISEDUKASYON“. Tinatalakay nito ang mga isyung kinakaharap ng bansa ukol sa kalidad ng edukasyon sa mga paaralan dito sa Pilipinas.
Balikan natin ang panahon ng kolonialismo. Nang dumating ang mga Amerikano, nagsimula sila ng sistemang edukasyon. Lingid sa kaalaman ng nakararami noon, may ibang layunin ang mga ito kung kaya’t ipinatupad nila ang sistemang ito. Bukod sa pagbibigay sa atin ng kaalaman, ginamit nila ito bilang instrumento upang tayo ay mapasailalim nila. Sa makatuwid, ipinakita nila ang pagiging makapangyarihan nila upang masakop tayo.
Ang pangyayaring ito ay tila nakapaghatid sa atin ng malaking epekto hanggang sa kasalukuyan. Nagkaroon tayo ng pag-iisip na magagaling ang mga kano, samantalang ang pinoy ay hindi. Mataas ang pagtingin natin sa kanila. Nirerespeto at kinikilala. Kahit nga pinoy na magaling mag ingles o may accent ay iba na ang tingin natin. Susyal, matalino, may kaya.
Sinasabi rin sa dokyu na nagiging komersyalisado na ang edukasyon. Ang kalidad ng edukasyon ay tinitignan na lamang sa halaga ng tuition fee. Kaya kung ikaw ay Atenista o Lasalista, ibig sabihin ay masuwerte ka dahil hindi madaling makapasok sa unibersidad na iyon. Hindi lang utak ang kailangan, pati sapat na salapi. Minsan kahit hindi na sa halaga ng tuition fee tignan, basta may pangalan. Kamakailan lang ay lumabas ang resulta ng World University Rankings na isinagawa ng Times Higher Education Supplement-Quacquar elli Symonds (THES-QS). 500 na unibersidad sa buong mundo ang nasa rankings. Apat na unibersidad dito sa Pilipinas ang napabilang sa nasabing rankings. Ang University of the Philippines ay nasa ika-299 na pwesto na sinundan naman ng De La Salle University na nasa ika-392 na pwesto. Nasa bilang 484 naman sa listahan ang Ateneo de Manila University, at umabot sa ika-500 na pwesto ang University of Sto.Tomas.
Ito ay isang malaking factor sa paghahanap ng trabaho dahil prioridad ng mga kumpanya ang mga nagtapos sa “reputable” na eskwelahan. Nagiging hindi patas ang ganitong pananaw sa mga estudyanteng hindi nga nagtapos sa mga sinasabi nilang “reputable” na eskwelahan ngunit may kakayahan naman talaga. Ito ay nagrereflect sa ating lipunan ngayon sapgkat ang daming magulang ang pinipiling patigilin na lamang ang kanilang anak para makapagtrabaho na agad.
Ang sa akin lang, ito ay isang malaking hamon para sa lahat ng estudyante upang pagbutihin ang kanilang pag-aaral. Hindi dapat maging hadlang ang kahirapan para ipagpatuloy ang kanilang pagaaral. Ito ay para na rin hindi ma-balewala ang kanilang potensyal. At para naman sa mga employers, sana magkaroon sila ng bukas na isip sa pagpili ng manggagawa. At para naman sa kinauukulan, nawa’y sikapin nilang maglaan ng sapat na pondo upang masuportahan ang edukasyon ng ating mga kababayang kinakapos.
Leave a reply
You must be logged in to post a comment.