Ako si “poorboy”, laking probinsiya. Napadpad sa maynila para mag-aral. Marami akong hindi alam dito sa maynila at gustong matutunan. Maraming ka-inosentehan o ka-mangyanan, yan ang sabi nila. Noong dumating ako dito tuwang-tuwa ako sa naglalakihang building at iba’t ibang sasakyan. Whew! grabe kakaiba talaga dito sa maynila. Una ko noong gustong matutunan eh sumakay ng LRT. Hindi ko kasi alam sumakay ng LRT, yung naaalala ko pa nung bata eh yung token hehehe… Masaya ako nung nakatungtong ako dito pero takot din dahil madami akong hindi alam. Hindi ako nahihiya na aminin na wala akong alam sa mga bagay bagay kaysa magkunwari ako. Mas gusto ko nang natuto kahit na minsan napapahiya at least sa susunod alam ko na at may baon na akong dunong. Isipin mo na lang sobra ang tuwa ko ng nakasakay ako ng elevator hehehe paano sa probinsiya escalator lang pinagkakaguluhan na doon. Maraming masasayang bagay na nakakatuwa pero magulo. Maraming taong judgmental pero marami rin gustong tumulong. Haaayyy, masisi mo ba ako kung walang mga bagay na ganun sa probinsiya? Well, sa ngaun alam ko na lahat yan kaso may mga bagay pa din sa akin na nakakagulat paminsan minsan…

Tulad ng nangyari sa akin nitong nakaraang araw… Pumasok kami sa isang sikat na mall at balak sanang mamili ng aking kabiyak ng shades sa isang bigating store… mga 26k lang naman. Habang nasa store kami na yun nagtanong sia sa akin kung bagay ang salamin nia na napili eh ang sabi ko “ang panget, mukha kang bangaw”…. tsaka sabi ko ang mahal naman niyan… Paglabas namin ng store pinagalitan niya ako kasi daw pinagtinginan kami doon. Kasi daw pangmayaman na store yun kaya dapat wag kong sasabihin na mahal ang isang bagay. Pangalawa mali daw ang reaksyon ko na mukha kang bangaw. Nakakahiya daw kasi…
Sa isip ko naman ano naman ang masama kung magpakatotoo? Hindi ko naman kailangan makihalubilo sa mayayaman at mas naman siguro sila para makihalubilo sa akin. Kailan ko ba na umasal ng tulad ng mga reaksyon nila? Sabi ng kabiyak ko “judgmental” daw ang mayayaman, matapobre at mapanglait. Sabi ko naman hindi naman siguro… So, dapat daw umasal ako ng tama dahil mundo daw iyon ng mayayaman. Pero teka, shop lang naman yun saka bangaw at mahal lang naman si nabi ko… Sabi ko “Bakit ang mayayaman ba hindi nagsasabi ng bangaw o ng mahal?”. Sabi niya “OO” daw. Maghanap daw ako ng ganun sa FORBES. Hmmmm sadya bang matapobre ang mayayaman kapag nakakita ng mahihirap? Mapangkutya ba talaga ang mayayaman sa maling gawi ng mahihirap? Para sa akin hindi katanggaptanggap yun… Kasi lahat naman judgmental… Lahat naman kahit mahirap nangungutya at nanghuhusga sa kapwa mahirap. Nature na yun ng tao… Diba? Ikaw naniniwala ka ba na mali ang magsabi ng BANGAW sa (rustans)? at magsabi ng mahal ang isang item sa (springfield)? Kailan ba talagang makisama ka sa mayayaman? O mas magandang magpakatotoo?