Mayroon ka bang kuwento? Isa ka bang manunulat? At pakiramdam mo ay nag-iisa ka at wala kang karamay sa tuwing nakararamdam ka ng panghihina ng loob at pagdududa sa iyong talento? O ikaw ba ay isang henyo, isang mahusay na manunulat na bukas ang palad na tumulongo magbahagi ng iyong karunungan at kaalaman sa sining ng malikhaing pagsulat. Puwes, may kalalagyan ka sa katinigwriters yahoogroup!!! Mag-email sa katinig_online@yahoo.com o bumisita sa www.katinig.com.ph. para sa ibang katanungan.

Ang Katinig ay isang samahan ng mga manunulat sa wikang sarili na kinabibilangan ng mga mahuhusay namanunulat gaya nina Domingo G. Landicho, Rey A. Duque, Francisco Sigua, Lamberto Antonio, Danilo Meneses, Ireneo P. Catilo, Remi Alva, Ruel Garcia Enoya, Purple C. Romero, Gexter Lacambra, Billy Antonio, Lamberto Cabual, Rose Flores Martinez, at marami pang ibang pawang mga nagwagi ng mga gantimpala sa pagsusulat ng maikling kuwento.