Me propesor yung ibang kaklase namin dun sa ibang subject. Di namin sya titser kasi, di naman namin kelangan yung subject nya para grumadweyt, di kasali sa kurikulum namin. Kaya lang masyado sya sumikat sa mga kwentuhan naming mga ekis, kaya, natural kasali rin sya sa wento.

Tawagin na lang natin syang si Mr. Bungol. Kaya yun ang naisip kong itawag sa kanya kasi sa sobrang baba ng boses nya, walang binatbat si Diomedes Maturan. Kung di mo nakikilala si Diomedes, itanong mo muna sa lolo mo kung sino yun. Kase natural, panahon pa ni kopongkopong kumakanta na yun.

itutuloy here!