Ibalik!!..Ibalik!! Ibalik!!! ang aming mahal n guro!! yan ang sigaw ng karamihan sa amin, Paano nga ba pinapatakbo ng isang Paaralan ang kanilang Sistema? Hindi naman kailangan itulad sa isang Unibersidad ang mga patakarang ito!! HINDI KAMI AKTIBISTA!! pero kaya naming maging katulad nila!! Ang hiling ng karamihan sa amin ay muling IBALIK ang isang taong Hindi lang nag silbing tagapag tanggol namin, sa mga propesor na bumabatikos sa aming mga kahinaan, kundi siya din ang nag turo sa amin kung paano mahalin at unawain ang mga bagay bagay na pilit kaming nahihirapan unawain.

GAYA NG ANO?!! ….MAg-aaral ka ng buong araw.,kaunting tulog lang ang iyong pahinga, kinabukasan pag sususlit na naman. Ngunit dahil sa mga salitang kanyang binibitawan, gayundin ang mga tinuturo niyang puno ng kaalaman,. Sa ami’y laking ginhawa talaga.

SIR YOGO!!!!.

Bulong-bulungan ang kanyang pangalan, bawat kanto ata ng pasilyo sa amin alam ang balitang ” PAGPAPATALSIK SA KANYA!!” Ngunit ano ba ang katotohanan?! BAkit ang isang butihing guro na sa amin ay nAkakaintindi, ngayo’y pilit na hinihila pababa?!! Saan nag simula ang lahat?!! ANG GULO!!!!!PWEDE BANG IPALIWANAG NYO?!!!!!

Nakarating sa amin ang balita , pilit siyang pinapaalis sapagka’t may mga kumalat na text message na siya ay hindi nagiging mabuting ehemplo sa mga estudyante., sa nakaraang pag sususlit isang leakage umano ang sa kanyan’y nagmula ay ito’y kanyang ibinigay sa mga estudyanteng kanyang itinuring na barkada. gayundin daw ang pakikipag inuman niya sa mga ito.

KALOKOHAN!!!!! yan lang ang naisagot namin.!! bakit kailangan siraan ang isang taong wala namang ginawang kasalanan? bakit kailangan gawing mali sa paningin ng iba ang mga kabutihan na kanyang ginawa? ISANG MALAKING KALOKOHAN!!!

Inggit ba ang nasa likod ng lahat ng ito?! MALAMANG?!! Sino bang sira ulo ang gagawa ng isang bagay na hindi pinag iisipan?!! Bakit kung kelan MAGANDA ang performance nya sa pagtuturo , tsaka may lumalabas na ganitong issue?!! DAHIL BA SIYA ANG MAY PINAKA MATAAS NA NAKUHANG PUNTOS SANAKARAANG EVALUATION NG MGA ESTUDYANTE?!!

Ngayon isa lang ang aming hinihiling, Sana’y mabigyan ng katarungan ang pag papatalsik at Pag aakusa na siya ay masamang ehemplo sa mga estudyante.!!! Ang Isang propesor na tulad ni SIR YOGO ay kailangan Ipagmalaki, Tularan, at Mahalin. Sa oras ng ating pangangailangan hindi siya nag dadalawang isip na tayo ay tulungan, hindi siya nakakalimot na tayo ay Pangaralan at Ipaalala na ” Mahirap talaga ang buhay estudyante pero kung may tiwala ka sa sarili mo at may tiyaga ka, Hindi malabong makamit mo ang mga minimithi mu sa buhay”

————————————–WAKAS————————————–

Para po sa mga nakabasa nito., tulungan po natin si Sir yogo na maibalik ang tiwala ng iba, tulungan siyang ipaglaban kung ano yung tama, ipagdasal natin na sana’y malinawan ng isip ang mga taong bumabatikos at pilit na sumisira sa kanya, nawa’y patawarin at gabayan sila ng panginoon. muli..Suportahan natin ang isang taong minsan ipinakita kung gaano kahalaga ang EDUKASYON SA BAWAT ISA.

maraming salamat =)