Sa matagal na panahong pananakop ng mga kastila, sila ay nag-iwan ng mga bakas na hanggang sa ngayon ay marka parin ng ating bayan. Paano tayo naging malayang kung gayong may mga bakas parin ng ating pagkaalipin katulad ng pangalan ng ating bansa na malinaw na nagsasabing tayo ay pag-aari parin ni Haring Felipe II?

Nakakapagtakang nakalaya na tayo’t lahat ay mukhang nakalimutan ng ating mga naunang lider o bayani na palitan ang pangalan ng ating bansa? Hindi naman siguro lingid sa kanilang kaalaman noon na ang pangalang Pilipinas ay ipinagkaloob ni Villalobos sa ating bansa sa ngalang ni haring Felipe.

Nakalimutan nga kaya nilang palitan, sinadyang kalimutan o wala sa isip nilang palitan ang pangalang Pilipinas.