Isa na yata sa pinakalumang panloloko sa telepono ay ang pagorder ng pagkain sa isang fast food chain para sa isang tao na hindi naman talaga naghihintay ng order.
Hindi pa uso ang wiretapping at caller id at nasa kasagsagan pa noon ang party line at phonepal kaya ko ito napagpasyahang gawin. Inaamin ko, ginawa ko ito dati–ng walang pagsisisi akong nararamdaman. thrill. adventure. May kasamang buong tapang at tiwala sa sarili. Sinong masamang tao ang hindi gagawa nitong klase ng panloloko na ito? Dahil sa mabuti kayong tao at ako lang ang kilala ninyong masama, naisipan kong tumawag sa isa sa mga pinakamalaking fast food chain para magpadala ng pagkain, pero hindi sa bahay namin. Lahat ng impormasyon na ibinigay ko: pangalan, address at telepono, ay matatagpuang lahat sa likod ng karton ng pabango ng nanay ko. Planado. Malinis.
basahin si XienahGirl sa Chiksilog…
Leave a reply