hindi ako natatakot sa multo–yun naman ay dahil sa hindi pa ako nakakakita kahit isa. hindi naman sa hinahamon ko yung mga kaluluwang ligaw diyan para magpakita sa akin ng mga bonggang bonggang mga moves and gulat effects, ok lang talaga sa akin. hindi–ok lang talaga na wala akong makitang espiritu. siguro alam lang talaga nila na matatakutin ako. oo sige na nga, medyo nagtatampo na nga ako ng konti–konti lang naman, sa mga ghosts diyan kasi ang unfair nila at choosy sa pinagpapakitaan na tao. bakit ganyan sila? out of place tuloy ako sa mga kwentuhan ng tropa ko. pasaway na mga multo. tama yan, sisihin ang mga multo.

halos lahat na yata ng ghost story nadinig ko na. yung iba nga parang galing na lang sa barbershop pero merong mas interesanteng multo akong gusto kong pagusapan natin–ang multo ng blogosphere.

alamin ang sikreto ni Xienahgirl sa Chiksilog