Ang pag-ibig, parang tong-its.
Kahit sino, pedeng maglaro. Anumang edad ka matuto, ok lang. Merong nene pa lang, marunong na. Merong gurang, saka lang nag-umpisa. Bata o matanda, basta game ka, join ka.
Ok na makinood ka lang. Mamburaot ng talo, makitawa, mag-enjoy. Pero dahil nga masaya, exciting manood. Kaya maku-curious ka. O, paano yun? Bat ansaya nila? Tapos maiinggit. Sana ako rin! Sila hapi, ikaw, feeling hapi lang. Kaya ikaw, join naman.
Leave a reply
You must be logged in to post a comment.