Kaya kaninang hapon, naglaro ako ng tetris. Paborito kong game ang tetris kc masayang laruin ito lalo pag boring at walang magawa. Habang naglalaro ako ng tetris parang andami kong naiisip tungkol sa buhay. Mga lessons na applicable lalo sa mga taong kagaya ko na lagi nlang puro reklamo ang alam gawin sa buhay.
….Pero hindi lang naman problema ang nireresemble ng tetris e. Kunwari dba nagame over na. Lalaruin at lalaruin mo parin. Parang tao, kahit ilang ulit mapahamak dahil sa katigasan ng ulo. Uulit parin at susubukan parin maglaro. Kung minsan, nagtatanda at d na inuulit ang pagakakamali. Pero minsan naman inuulit pati ung mali. Cguro dahil nasisilaw sa puntos sa sa level o sa structure na nabuo. Pero kahit ilang beses pa mag game over, hindi nakakasawa. Kc alam natn na pagkatapos ng problema, may choice tayong umulit, magsimula muli o mag-new game.
Related posts:
Leave a reply
You must be logged in to post a comment.