Alam kong nakakagulat ang mga pangyayari. Maging ako nagtataka kung bakit nabigyan me ng pagkakataong magkaroon ng ganitong site. Wala akong anting-anting o agimat para lapitan ng swerte, sex appeal lang ata ang natatandaang meron ako. Kung alam nyo lang na sa ilimang taon ika isa lang din ako nakakatanggap ng swerte. It means maghihintay na naman ako ulit ng limang taon para mapagkalooban ulit ng swerte. Siguro dahil nag gluglutha na ako ngayon at parang umaliwalas ng mukha ko kaya lumalapit na swerte. Di bale magnanakaw ulit ako ng glutha ky Doctora Belo. Pero hindi tungkol sa kung ako pumuti ang pag-uusapan natin. Actually, ang blog na ito ay karugtong ng talaan ko ng aking napakagulong buhay.
Samu’t saring adbenture ulit ang isusulat ko sa bago kung blog na ito. Mapupuno na naman ang buhay niyo ng pighati sa kababasa ng napawalang kwentang mga artikulo ko. Dito, mas masaya at kwela ang sa inyoy sisiguraduhin ko (naks kinreer talaga). Malalaman niyo ng lubusan kong pano ko ibinabaliktad butas ng ilong ko. Madidiskobre niyo ang sekretong pinakaiingatan ko. Mahahalungkot niyo ang dahilan kung bakit may palakang nag jejebs. Lahat ng ito’y mamatunghayan niyo.
Related posts:
Leave a reply
You must be logged in to post a comment.