Bomba
Jao, naniniwala na walang kasalanan sina Jessica at David Bunevacz
MAINIT na mga persona ngayon sa showbiz at sa labas ng larangan ang mag-asawang Jessica Rodriguez at David Bunevacz lalo na nang mabulgar ang alingasngas sa kanilang katatayo lang na Beverly Hills 6750, isang aesthetic shop.
Masyadong sosyal at bongga ang Beverly Hills 6750 kung saan pinapunta pa nila rito sa Pilipinas ang dating Miss Universe na si Dayanara Torres bilang image model ng kumpanya.
Nang regaluhan ni David ng mamahaling kotse ang kanyang asawang si Jessica nang magdiwang ito ng kanyang kaarawan kamakailan, napag-alaman umano ng mga kasosyo ng mga Bunevacz na ang ginamit na pambili ng sasakyan ay ang tseke ng organisasyon.
Dito nagsimulang lumutang ang haka-haka na may kamalasaduhan ang transaksyon ng grupo at nabalitang ginulpi pa ng mga kasosyo nila si David.
Pagkatapos nito ay nagtungo at parang nagtago sa Amerika ang mag-asawang Jessica at David.
Kasyang-kasya na noong mga sandaling lumabas ang kontrobersya ay kapipirma lang ng kontrata ni Jao Mapa para sa pamamahala ni Jessica sa kanyang career. Pero imbes na magpanik at hindi naapaktuhan si Jao.
“Bakit naman ako maaapektuhan? Mahusay na manager si Jessica. Ngayon pa lang, ang dami na niyang nagawa para sa career ko kaya bakit naman ako maguguluhan dahil sa intriga sa kanila.
“I believe na magkaiba ang talent management at ang networking kaya wala akong nakikitang masama ro’n. Kay Jessica, ang dami agad nangyari sa akin. May pictorial na agad ako. May guesting na agad ako sa TV at may mga negotiations na para sa akin,” pahayag ni Jao nang makamiting siya ni Jowee Morel sa Cubao kamakailan kaugnay ng pagkuha sa kanya ng direktor para sa pelikulang “Latak” ng Outline Digital Films kung saan nakatakdang maghubad si Mapa.
Pero hindi pa nga napagkakasunduan ang presyo ng aktor dahil maliit pa lang na produksyon ang kay Morel.
***
Ang nagrekomenda kay Rodriguez kay Mapa ay si Raven Villanueva na matagal nang alaga ng socialite at dating artista ng Viva Films.
“Kahit si Raven, hindi naman umaalis sa kanya kasi, mahusay nga siyang mag-manage. Isa sa mga araw na ito, magpapakita na sina Jessica para maliwanagan ang lahat sa kontrobersya. Hindi ako naniniwala na may kasalanan sina Jessica,” depensa ni Jao na lalo pang gumuguwapo at gumagaling bilang artista.
Katatapos lang ni Jao ng kanilang painting exhibit nina Revan, Meagen Aguilar at Tony Perez sa Enzo Gallery sa Greenhills.
Hindi nababakante si Mapa sa mga gawain kahit na kakanuti ang trabaho sa industriya.
***
Magdiriwang ang peryodistang pampelikula na si Dennis Adobas ng kanyang kaarawan sa Sabado, ika-19 ng Enero, 2008 sa bahay ni Direk Jowee Morel sa Merville sa Parañaque City.
Maraming inimbitahan si Dennis para makabahagi sa kanyang mahalagang araw.
Star Patrol
“Magpapakita na sina Jessica at David Bunevacz”
-Jao Mapa
PUMIRMA na ng kontrata si Jao Mapa sa talent management ni Jessica Rodriguez sa gitna ng alingasngas na bumabalot sa mag-asawang Jessica at David Bunevacz tungkol sa umano’y pagwawaldas ni David ng pondo ng Beverly Hills 6750, isang aesthetic shop na itinatag ng mag-asawa kasama ang ilang mga kasosyo.
Kasyang-kasyang pumipirma si Jao kay Jessica ay lumalabas naman ang reklamo ng mga kasosyo ng mga Bunevacz sa negosyo.
Umalma umano ang mga investor nina David nang malaman ng mga ito na ang ipinambili ng sikat na athlete ng mamahaling kotse na ipinanregalo niya sa kaarawan ni Jessica ay tseke ng kumpanya.
Nabalita pang binugbog ng mga kasosyo si Buenvacz nang malaman nila ang ganitong sitwasyon.
Umalis sa bansa ang mag-asawang Jessica at David at nagtungo sa Amerika, ayon sa mga impormante.
Pero ang pagpirma ni Jao sa pangangasiwa sa kanya ni Rodriguez ay hindi nakaapekto sa batang aktor. “Iba naman ang talent management at networking. Magkaiba ito. Kaya hindi ako kinakabahan. Walang masama ro’n. Magaling mag-manage si Jessica kaya walang problema.
“Sa career ko, may mga pictorial na ako ngayon. May mga guesting na ako sa mga TV shows. Remote control ang management ni Jessica sa akin kaya maligaya ako.
“Anytime ay babalik na sina Jessica sa Pilipinas para magpaliwanag ng lahat. Walang masamang mangyayari. Kilala ko si Jessica. I believe in her,” pagtatanggol ni Jao sa bituin.
***
Puspusan na ang paghahanda ni Mapa sa kanyang pag-aartista sa 2008. Inalok na nga siya ni direktor Jowee Morel na lumabas bilang bading sa pelikulang “Latak” ng Outline Digital Films bagamat hindi pa sila nagkakasundo s apresyo.
Maliit na produksyon pa lang ang Outline kaya naman hindi agad-agad na makapaglalabas si Jowee ng malaking halaga sa produksyon.
Isa pa ay digital at indie film ang “Latak.”
Pero ang mahusay na peryodistang pampelikula nga na si JC Nigado ang nagmungkahi kay Morel na kunin si Jao dahil magaling itong aktor kaya nga lang ay ang budget ang pinag-uusapan nang maige.
Nang magmiting sina Jowee at Jao sa Cubao kamakailan ay kapwa sila humanga sa isa’t isa.
Mahusay kapwa kasing magsalita ang dalawa.
Mahusay magdirek si Jowee at mahusay umarte si Mapa.
Mahusay ring magpinta si Jao.
Katatapos lang noong Lunes ng paglulunsad ng painting exhibit ni Jao kasama sina Raven Villanueva, Meagan Aguilar at Tony Perez. Idinaos ang eksibit sa Enzo Gallery sa Greenhills at dumalo ang maraming mahiligin sa sining ng pagpinta.
Hindi na nga maaabot pa ang kakayahan ni Mapa sa maraming larangan ng artes.
***
Ipagdiriwang ng pamosong peryodistang pampelikula na si Dennis Adobas ang kanyang kaarawan sa Sabado, ika-19 ng Enero sa bahay ni Jowee Morel sa Merville Subdivision sa Parañaque City.
Matalik nang magkaibigan ang movie writer at si Jowee kaya naman sa maikling panahon ng kanilang pagkakakilala ay nagtiwala na sila sa isa’t isa.
Bongga ang party ni Dennis at imbitado niya ang kanyang malalapit na kaibigan sa showbiz.
Marami na ang naghahanda para sa kanyang piging.
Related posts:
Leave a reply