Bomba
“Mga Paru-Parong Rosas” ni direktor Jowee Morel, imbitado sa Turin International Film Festival sa Abril
HINDI na talaga maabot ang mahusay na direktor na si Jowee Morel ng mga obrang “Moma,” “Mona, Singapore Escort” ni Iza Calzado, “When A Gay Man Loves” at iba pang sining.
Kamakailan lang ay sumulat sa kanya at sa co-producer na si Simon Luckin ang organizer ng Turin International Film Festival gltq na si Flavio Armoni at sinasabing iniimbitahan ang kanyang pelikulang “Mga Paru-Parong Rosas (Pink Butterflies)” sa Turin sa Italy.
Ayon kay Simon, isang British na nars na kaibigang matalik ni Jowee sa London, nagustuhan ng mga taga-Turin ang pelikula dahil kakaiba ito at maraming magagandang rebyu sa pelikula.
“They are very interested to exhibit ‘Mga Paru-Parong Rosas’ at Turin and we have already sent them the screener,” pahayag ni Simon nang siya ay dumating sa Pilipinas kamakailan.
Bilib na bilib ang mga taga-Turin sa husay ni Morel sa pagdidirek.
Ang “Mga Paru-Parong Rosas” ay tungkol sa pag-iibigan ng isang lalaking may asawang babae at isang lalaking ikakasal na sa isang babae.
Gay film, samakatuwid ang obrang ito.
Gayunman, nang ipanood ito mga miyembro ng Movie and Television Review and Classification Board ni Ms. Marissa Laguardia ay nakuha ang pelikula ng X-rating dahil sa mga eksenang iniihian ng lalaki ang bading, sa pagsipsip ng bakla sa mga daliri sa paa ng lalaki at sa pagpapasok ng lalaki ng kandila sa puwerta ng binabae.
“Parang vindicated na ako sa ganitong invitation. Kasi, kung na-disapprove sa Pilipinas ang pelikula, sa ibang bansa, sa isang prestigious filmfest pa ay pasok ito. Di ba, parang nakahinga ako nang malalim na hindi dapat na-X ang pelikula ko?” pahayag ni Jowee.
Ang Turin Int’l Filmfest ay gagawin sa Abril 7 hanggang 14, 2008 sa Italy.
***
Samantala, kung ang mga dami ng mga deboto ng Nazareno sa Quiapo sa pagdiriwang ng kapistahan nito ang susukatin, talagang ang daming gustong magtagumpay sa buhay sa pamamagitan ng dasal at himala.
Ang dalawa sa kanila ay sina Angelica Jones at Lito Calzado, ang butihing ama ni Iza Calzado.
Nais nina Angelica at Lito na umalwan ang kanilang buhay, mapatawad ang kanilang mga kasalanan at makaahon sila sa masasama at tuksong mga gawain.
Talagang umapaw ang mga nagsasakripisyo sa kabanalan ng Nazareno.
Pero kung ang ganitong karaming namanata sa santo o sa imahen ni Hesukristo ang siyang magpoprotesta sa kawalanghiyaan ng mga lider ng bansang ito, mas aalwan ang buhay sa materyal na kahulugan at ang pananalig sa Poong Lumikha ang tiyak na kalasag na mag-aadya sa paghihikahos.
Saksi
“Mga Paru-Parong Rosas” ni direktor Jowee Morel, hinahangaan sa Turin Int’l Filmfest
HINDI pa man nagaganap ang Turin International Film Festival sa Italy ay nagkukumahog na ang mga namamahala nito na mapasama ang pelikulang “Paru-Parong Rosas (Pink Butterflies)” ng mahusay na direktor na si Jowee Morel.
Ang magandang balita ay mula sa kaibigan at co-producer ni Jowee na si Simon Luckin na siyang nakatanggap ng mahalagang liham ng mga taga-Turin sa paghanga sa pelikula ng Filipinong filmmaker.
Sinabi ni Simon nang makausap namin kamakailan na sumulat sa kanya ang organizer ng Turin International Film Festival gltq na si Flavio Armoni at sinabing iniimbitahan ang kanilang prinodyus na pelikula sa Turin dahil pinag-uusapan na ito sa buong daigdig at magaganda anya ang mga rebyu sa pelikula.
“Mr. Armoni is very encouraging. He is very accommodating to the movie. So we sent him a screener and the film is scheduled to be exhibited at the festival,” pahayag ni Luckin na isang nars at kasamah ni Morel sa London nang mag-aral doon ang direktor at magtayo ng produksyon.
Sinabi rin ni Luckin na bilib na bilib ang mga taga-Turin sa mga Filipinong direktor at nag-iisa anya si Jowee sa mga pelikulang ginagawa nito.
Samantala, ayon kay Morel ay parang nabunutan siya ng tinik sa pagkakataong ito.
Para anya siyang vindicated sa kanyang pagkakamit ng X-rating mula sa Movie and Television Review and Classification Board nang iparebyu niya ang kanyang pelikula sa lupon.
“Ngayon ay masasabi ko na sana ay nabigyan man lang ako ng PG-13 o R-18 kaysa naman X at hindi maipapalabas sa mga sinehan. Gusto ko lang makita ng ating mga kababayan ang katotohanan tungkol sa kabaklaan.
“Na ang kabaklaan ay bahagi ng ating lipunan. Nagtuturo ng magandang aral ang pelikula lalo na sa mga babaing nakakapangasawa ng bakla. Na hindi ito masama at maraming paraan na magagawa para maging matwid at maganda ang relasyon ng asawang babae at ng baklang esposo,” paliwanag ni Jowee na gumawa rin ng mga obrang “Moma,” “Mona, Singapore Escort” ni Iza Calzado, “When A Gay Man Loves” at marami pang iba.
Sa wakas ay nakamtan din ni Morel ang kanyang inaasam-asam na mapuna sa ibang bansa ang kanyang pelikulang tumatalakay sa kabutihan ng mga Filipino.
Nauna nang ipalabas ang “Mga Pru-Parong Rosas (Pink Butterflies)” sa London Gay and Lesbian Gay International Film Festival noong isang taon kung saan ito ay nagkamit din ng magandang pagkilala kasabay ang “Tuli” ni Aureaus Solito.
***
Bumaba ang mga taga-showbiz sa prosisyon ng Black Nazarene sa Quiapo at isa lang si Angileca Jones kasama si Lito Calzado sa mga namanata sa santong ito na imahen ni Hesukristo.
Talagang ang daming tao sa buong Quiapo at kung ang dami ng taong ito ang sukatan, talagang ang maraming naghihikahos at nagnanais ng magandang bihay sa lipunang ito sa pamamagitan ng dasal at himala.
Pero ang pag-ibig ng Panginoon Diyos ay nakaangkla rin sa matwid na pakikipaglaban para sa katotohanan at katarungan.
Ang paghihirap ni Angelica ay hindi lang nanggagaling sa kawalan kundi ito rin ang nag-uugat sa mga komplikadong bagay lalo na sa pamamahala ng liderato ng isang gobyerno at kung paano maihahandog ang kasagaanan at kaalwanan sa kanyang mamamayan.
Kung ang daming ito ng mga deboto ang magpoprotesta sa mga buhong at walang kaluluwang mga pulitiko para maibsan ang kahirapan ng bayan, magtatagumpay ang pakikipaglaban laban sa kamangmangan at kawalang pakialamanan ng mga tao sa lipunang ito na nakabatay sa paniniwala sa Diyos na nagpapahalaga sa katarungan at kaligayahan ng tao.
Related posts:
Leave a reply