Table 3. Distribution of Families By Income Classes: 1997, 2000, and 2003*
| Year | Income Class | |||||
| Low | Middle | High | ||||
| Level | Percent | Level | Percent | Level | Percent | |
| 1997 | 10,881,914 | 76.6 | 3,260,474 | 23.0 | 50,074 | 0.4 |
| 2000 | 11,598,258 | 77.0 | 3,422,524 | 22.7 | 51,160 | 0.3 |
| 2003 | 13,172,033 | 79.9 | 3,282,511 | 19.9 | 25,849 | 0.2 |
* Sourced from the Philippine National Statistical Coordination Board
Di ko talaga ma-knows… Needs ba talagang maglabas ang mga Pinoy broadsheets ng isang “society section” kung 99.8% naman ng populasyon ng Pinas eh ma-giraffe o middle-class? Para vah may pag-displeyan ng pagmumukha ang natitirang DALAWANG PORSYENTO na, sa tutuo lang, eh para namang pang-aasar lang yun? Pumarada bang umattend ng mga launching ng mga muk-ap, ng mga bagong selpown, o ng mga kung anik-anik na sosyalan for the sake of sosyalan samantalang maraming pilipino ang halos mamatay na sa gutom?
O sya, hindi maiiwasan… magkakaroon naman talaga ng mga ma-giraffe, mas ma-giraffe at may pera’ng grupo sa kahit na anong lipunan. Wala tayong magagawa… ganun talaga ang life. Pero ang hindi ko ma-took ever eh yung ipangalandakan pa ba nitong mga may pera’ng ito na ang laki ng kaibahan nila sa mga poor? Mega-smile, mega-papiktoryal para masabing “in” sila.
Sundan ang kabanata sa blog ni Ate Sienna: http://atesienna.pansitan.net
Leave a reply