We’ve been very close for 8 years now. Nagkakilala tayo sa school. Transferee ako noong 4th year high-school. Pero ikaw matagal ka na sa school na iyon. Alam mo na bading ako. Pero never kang nandiri sa akin.  In fact, itinuring mo ako na parang sister. Sabay tayo mag recess, inililibre mo pa nga ako madalas nang lunch. Pati pag-uwi, hinihintay mo pa nga akong makasakay sa tricycle diba? Pero 4th year high school na tayo, nagkaka-crush ka na. nabaling ang atensiyon mo sa kanya. Kunsabagay, maganda talaga siya at matalino pa. Isa siya sa mga head turner ng campus noon. Naging Mr.&Ms.Seniors pa nga kayo nung J.S.Prom natin di ba…           Sobrang perfect nyo noon… Grabe…   Talagang kayo ang star nang gabing iyon… I can’t help myself na magselos. Kasi parang inilalayo ka na niya sa akin. Minsan na lang tayo magka sabay sa lunch.         Pinauuna mo na akong Umuwi kasi hinihintay mo pa siya. Di mo lang alam kung gaano ako nasaktan at lumuha sa tuwing hihiga ako sa
kama. Basang-basa ang unan ko. Pero pilit ko pa ring itinago ang nararamdaman ko sa’yo. MAHAL PALA KITA. Pero alam kong hindi puwede. Kasi kapatid lang ang turing mo sa akin. At sino ba naman ako para maghangad pa na mahalin mo din ako. Kalabisan na iyon, dahil ikaw lang ang bukod tanging nagtrato sa akin ng ganoon. Lahat ng sikreto mo, sa akin mo sinasabi. Wala kang malisya sa akin. Pero habang tumatagal, lalo akong nasasaktan. 

Pagka- graduate natin ng high school, akala ko magkakalayo na tayo. Kasi sa ibang school ka na nag enroll. At magjowa na nga kayo. Pero constant pa din ang pagkikita natin. Isinasama nyo pa nga ako mag-mall, manood ng sine at kumain sa labas. Naging close na din kami.          Ang saya-saya natin pag gumigimik tayo. Pero hindi pala ako masaya. Kasi pakiramdam ko ginagawa nyo lang akong chaperon nyo. Hindi kayo maka alis ng hindi ako kasama, kasi pag kasama ako, may tiwala ang parents nyo. Minsan napipilitan na lang din ako. Kahit feeling ko, ako ang TIYAHIN nyo pag binabantayan ko kayo. 

Dumating na ang time na ako naman ang umibig. Nagkaroon din ako ng PAPA. After college na iyon. Nagkakilala kami sa office. Gwapo din siya. Actually kamukha mo nga siya eh. Kaya parang hindi din kita namimiss. Kasi parang kasama pa rin kita. Alam ko hindi niya ako ganoon kamahal. Pero pinipilit kong mag work-out ang relasyon namin, para lang maging busy ako at may excuse ako sa tuwing itetext mo ako na gumimik tayo. Kahit minsan wala naman akong ginagawa, sinasabi ko na lang sa’yo na busy ako. Kasi alam kong maiinggit lang ako sa inyong dalawa pag magkakasama tayo. Hurt na hurt ako everytime na nagkikita ko kayong sweet. Minsan nga pag naghahalikan kayo sa harap ko, gusto ko siyang SABUNUTAN sa baba at sa taas. Pero alam ko hindi pa rin kayo magiging forever. Alam kong dadating ang time na maghihiwalay din kayo. TANDAAN MO YAN! 

          Nauna lang kayo ng 2 months MAGHIWALAY sa amin ng EX BABY ko. Ewan ko kung sino ang may fault sa inyong dalawa kung bakit after 7 years naghiwalay kayo. Naniwala ka na sa akin? Di ba sabi ko maghihiwalay din kayo. Basta ako ang alam ko, hiniwalayan ako ng jowa ko kasi BALIW daw ako. Wala na daw akong bukang bibig kundi ikaw. Hindi ko naman sinadya iyon. Pero naging insensitive ako sa feelings niya. Nakalimutan ko na hindi kita pwedeng hanapin a ibang tao. Lalo na nga’t BOYFRIEND KO SIYA AT KAIBIGAN MO LANG AKO.  Natatakot akong sabihin sa’yo ito. Alam kong
mali at magagalit ka sa akin. Pero bukod sa family ko, ikaw na ang pinaka importanteng tao sa buhay ko. 

Eto tayo ngayon sa family outing nyo. 8 years na nating  ginagawa ito. Siguro this is the right time na sabihin ko sa’yo ang nararamdaman ko. Lalo na’t nakainom ako. Siguradong malakas ang loob ko. Pero inunahan mo ako. Sabi mo sa akin KUNG BABAE LANG AKO, SIGURO PINAKASALAN MO NA AKO.!  Nawala ang tama ng alak sa akin nung narinig ko iyon. Mahal mo din pala ako. Pero masaya ako kasi it really takes a REAL MAN to say those things to a GAY. Hindi ka natakot magsalita noon, kahit STRAIGHT ka. Hindi ka nahiya. Eh ano nga naman kung ma-inlove ka sa akin. Siguro naman I DESERVE IT! Kasi matagal na talaga tayo mag kaibigan. Pero sa sinabi mong iyon. Nagising ako sa KATOTOHANAN. Na hindi talaga pwedeng maging tayo. Kasi bestfriend mo ako. Kasi STRAIGHT ka.  Hindi ito ang preference mo. Masaya na akong malaman na MINAHAL  mo din pala ko. 

          Kaya ngayon sa kasal mo, ako ang BESTMAN mo. Ako ang BESTFRIEND mo. Ako ang OTHER WOMAN MO.  Wala nang gaganda pa sa title na iyon para sa akin, kasi alam kong dadating ang time na sa akin ka pa rin tatakbo pag kailangan mo ng tulong ko.  At maasahan mo ako. Kahit deep inside, nasasaktan pa rin ako. Hindi ko man lang naiparamdam sa’yo kung paano ako magmahal… Hindi man lang naging tayo…

Related posts:

  1. Why Dick Gordon? DICK GORDO
  2. Rent Villa Paulina Resort in Calamba Villa Paul
  3. hosting bez limitów Hosting be
  4. hosting bez limitów Hosting be
  5. najtańszy hosting Zobacz się
  6. najtańszy hosting Zobacz się
  7. Download DoTA Allstars Official 6.60b map (with DoTA 6.60b changelog) Official D
  8. hosting W swojej o