Wagi! Ako ay nagwagi! Unang-una, nakaya kong magtagal (ng buhay na buhay) ng mag-isa sa Cambodia ng wala si Honey sa loob ng dalawang buwan. Umuwi na siya kagabi sa aking piling at sa wakas, muli na akong makakakain ng matino at masarap na pagkain.
Pangalawa, wagi nanaman ako. Ako ay nagkamit ng Esep-Esep Award… ang Pinoy version ng Thinking Bloggers Award. At nakamit ko ang marangyang gantimpalang ito mula sa dalawang pinakapipitagang blogger – si Snglguy at si Annamanila.
Maaring natatandaan ng aking mga mahal na mambabasa na nag-EBs na kami nina Snglguy at Annamanila. Acheche! Hindi yata maganda pakinggan ‘yon. O siya… nagkita kami sa Maynila ilang buwan na ang nakakaraan. Dahil dito, nadidinig-dinig ko ang mga bulyaw ninyong mga suspichosong mga mambabasa – “Luto! Luto!”
Ang masasabi ko lang ay ang isang gantimpala ay kasing halaga lamang ng tao na nagbigay ng gantimpala. At dahil dito, magalak kong tinatanggap at pinahahalagahan ang gantimpalang ito na galing sa dalawang nakakatanda respetadong tao sa blogosphere. Kung di kayo naniniwala, sige ipa-SGV natin.
Achaka, higit sa lahat, hindi ito pwedeng luto dahil alam naman ninyong lahat na hindi ako marunong magluto.
At ngayon, panahon na upang ipasa ko itong Esep-Esep Award sa mga blogger na kung basahin ninyo, kayo talaga ay mapapa Esep-Esep.
Read more in Toe’s Kurokuroatbp.
Leave a reply